DOJ, nais na papanagutin ang mga tauhan ng BI at NBI na nagpa-selfie kasama si Alice Guo

Nais ng Department of Justice (DOJ) na papanagutin ang ilang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) na naki-selfie matapos maaresto si Alice Guo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dapat na humingi ng paumanhin ang mga nagpakuha ng litrato lalo na’t kumalat pa ito sa mga social media.

Aniya, dapat kastiguhin ang mga tauhan ng kasamang nagpa-selfie kung saan hindi ito nararapat dahil itinutiring na wanted person si Guo.


Dagdag pa ni Remulla, dapat ng itigil ang nagiging kultura ng pagkuha ng selfie o picture sa inaarestong wanted sa batas na tila nagmumukhang selebrasyon pa.

Muling iginiit ng kalihim na huwag sanang kalimutan na ang mga tauhan ng NBI at BI ay kabilang sa mga nagpapatupad ng batas at hindi magandang gawain kung sila pa mismo ang gagawa nito kasama ang wanted person.

Una naman ipinaliwanag ng BI na nagpakuha ng litrato ang ilan nilang mga tauhan upang ipakita na naging matagumpay ang kanilang operasyon para makuha si Guo.

Facebook Comments