DOJ, nais na ring tumulong sa imbestigasyon sa panibagong “upcasing” sa mga benepisyaryo ng PhilHealth

Kasunod ng panawagan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na i-report sa kanila ang mga insidente ng “upcasing” sa pagkuha ng sobra-sobrang benepisyo sa ahensiya, tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na handa itong tumulong sa imbestigasyon.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, may mga naisampa nang kaso ang DOJ-Task Force PhilHealth noong nakaraang taon kasunod na rin ng imbestigayon nito sa isyu ng “upcasing” sa mga benepisyaryo ng PhilHealth.

Ang “upcasing” ay ang pagmanipula ng mga dokumento at impormasyon ng pasyente kung saan nagkakaroon ng sabwatan ang mga tiwaling opisyal ng ospital at ang kanilang mga pasyente para palabasin na ang ordinaryong sakit gaya halimbawa ng hika ay ginagawang malalang kaso ng pneumonia para maka-claim ng mas malaking benepisyo sa PhilHealth.


Nitong Lunes, naglabas ng pahayag ang PhilHealth na handa nitong imbestigahan ang mga alegasyon ng “upcasing” sa claims ng mga benepisyo matapos kumalat sa social media ang eskandalo.

Facebook Comments