DOJ, nakahanda sakaling pabalikin na ng bansa si dating Congressman Teves

Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na asikasuhin ang kinakailangang dokumento sakaling magdesisyon ang gobyerno ng Timor Leste na pabalikin ng Pilipinas si dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo Teves Jr.

Sa inilabas na pahayag ng DOJ, bagama’t hindi pa nila makuha ang kumpletong detalye, handa at plano nilang papanagutin si Teves sa mga kinahaharap nitong kaso ng naaayon sa batas.

Una nang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) at abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na nasa kustodiya na Ministry of the Interior ng Timor Leste ang dating kongresista matapos itong maaresto.

Bagama’t, ikinatuwa ng pamahalaan ang ginawang hakbang ng Timor Leste kung saan hindi na dapat manatili pa sa kanilang bansa si Teves, inaabangan pa rin ng DOJ ang pormal na dokumento hingil dito.

Ito’y para malaman kung siya ba ay ipade-deport bilang undocumented foreigner o ma-extradite base na rin sa unang kahilingan ng DOJ.

Si Teves ay nahaharap sa kasong murder na may kaugnayan sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at iba pang krimen sa Negros Oriental.

Facebook Comments