DOJ, nakahandang magbigay seguridad sa naulilang padre de pamilya na biktima ng masaker sa San Jose del Monte Bulacan

181

Manila, Philippines – Nakahanda ang Department of Justice na bigyang seguridad si Dexter Carlos Sr , ang naulilang padre de pamilya ng limang kaanak nito na minasaker sa San Jose del Monte Bulacan.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, pag-aaralan nila kung maaring maisailalim sa Witness Protection Program si Dexter Carlos Sr., kung sa tingin nito ay may banta sa kanyang kaligtasan.

Bukod sa legal assistance mula sa Public Attorneys Office o PAO, sinabi ng Kalihim na tutulong ang kagawaran na makamit ng pamilya Carlos ang hustisya.


Hinimok ni Aguirre si Carlos Sr., o sinuman sa kampo nito na makipag-ugnayan sa DOJ para maisaayos ang anumang tulong na maaring maibigay ng kagawaran

Una na ring Inatasan ng DOJ ang NBI na magsagawa ng parallel investigation sa pag-masaker sa pamilya Carlos.

Facebook Comments