DOJ, nakikipag-ugnayan na sa DILG para sa pag-decongest sa mga bilangguan sa bansa

Nakikipagtulungan na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pag-decongest ng mga kulungan at pagpapatupad ng epektibong rehabilitation programs para sa mga preso.

Ito ay bilang bahagi ng commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa UN Joint Program on Human Rights (UNJP).

Tiniyak din ni Justice Sec. Crispin Remulla na lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang mga commitment nito sa karapatang pantao.


Sinabi ni Remulla na nakapaglatag na rin ang DOJ ng mga plano para mapagbuti ang criminal justice system ng bansa.

Una na ring tiniyak nu Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) Executive Director at Undersecretary Severo Catura na makatutugon ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno sa human rights obligations ng Pilipinas.

Ito ay alinsunod aniya sa mga batas ng bansa at international human rights law.

Facebook Comments