Kinumpirma ng Department of Justice na nakatanggap ang kanilang Office of Cybercrime (OOC) ng online tip sa umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa kasalukuyan ay nakikipag-tulungan na ang OOC sa National Bureau of Investigation upang ma-validate ang tip.
Kahapon, ibinunyag ng kampo ni Marcos na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang OOC matapos makatanggap ng ulat mula sa TikTok app na nagpupulong na umano araw-araw ang mga nagtatangkang pumatay kay BBM.
Ayon pa sa kanila, nakikipag-ugnayan na ang OOC sa Law Enforcement Outreach Trust and Safety ng TikTok upang ma-preserve ang mga impormasyon ng sinasabing account.
Facebook Comments