DOJ, nakikipag-ugnayan na sa OCD para sa pag-deploy ng divers sa pinaglubugan ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro

Pinag-aaralan na rin ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of Civil Defense (OCD) ang pag-deploy ng divers sa pinaglubugan ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kasama ito sa mga napag-usapan sa ika-apat na inter-agency sa DOJ.

Aniya, may mga kinuha na rin silang consultant para alamin kung gaano karaming langis na ang tumagas sa MT Princess Empress at kung gaano karami pa ang natitira dito.


Sinabi rin ng kalihim na tinuturuan na ng kinuha nilang consultant ang mga diver na sisisid sa Oriental Mindoro para ma-kalkula kung gaano talaga karami ang oil spillage mula sa MT Princess Empress.

Una nang sinabi ni DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano na posibleng wala nang lamang langis ang lumubog na tanker.

Facebook Comments