DOJ, nangakong reresolbahin agad ang sumisiklab na naman na girian sa pagitan ng BuCor at Muntinlupa LGU

593

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na agad na reresolbahin ng Department of Justice (DOJ) ang namumuo na namang tensyon sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Muntinlupa City Local Government Unit (LGU).

Partikular ang kalsada sa Katarungan Village na binakuran ng BuCor at giniba ng mga residente.

Bunga ng pag-giba ng mga residente sa pader, agad naman na ipinag-utos ng BuCor ang paghuhukay sa kalsada upang hindi na ito tuluyang madaanan.


Nagbanta naman si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na hindi magtatapos dito ang nasabing girian

Iginiit din ng alkalde na maraming residente ang mawawalan ng daan papunta sa bayan dahil sa pagharang ng BuCor sa kalsada.

Mawawalan aniya din ng access sa kalsada ang mga guro at mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa at Muntinlupa National High School.



Facebook Comments