DOJ, nangangalap na ng ebidensya para sa iba pang posibleng kaso laban sa SBSI

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na seryoso ito na ipursige ang anumang kaso na maaaring magresulta sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kaugnay sa isyu sa Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nangangalap na sila ng mga ebidensyang makatutulong para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa grupo.

Noong Huwebes ay nagkaroon ng coordination meeting ang mga opisyal ng DOJ, DENR, DSWD, DILG at PNP bunsod ng mga kontrobersya na kinasasangkutan ng grupo.


Sinabi naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na mahalaga na coordinated o iisa ang direksyon at magkakatuwang ang mga ahensya ng pamahalaan para matugunan ang isyu sa Socorro group.

Hihingin din aniya ng DOJ ang kooperasyon ng Department of Education (DepEd) dahil sa mga ulat na nagagamit ang mga pondo sa 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program.

Facebook Comments