DOJ, nanindigan na sa Bureau of Immigration ang legal custody ni Alice Guo

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na nananatili sa Bureau of Immigration (BI) ang legal custody kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay sa kabila ng arrest order ng korte sa Capas, Tarlac kay Guo.

Ayon kay Justice Spokesman Atty. Mico Clavano, ang pinagbatayan ng pag-aresto kay Guo sa Indonesia ay ang illegal exit nito sa Pilipinas.


Iba aniya ang legal custody ng BI sa physical custody ng Philippine National Police (PNP) kay Guo.

Kinumpirma rin ni Clavano na malapit nang matapos ng DOJ ang imbestigasyon nito laban sa mga opisyal ng pamahalaan at pribadong indibidwal na kasabwat sa pagpapatakas kina Guo.

Sina Guo ay sinasabing umalis ng bansa papuntang Malaysia sakay ng bangkang pangisda.

Facebook Comments