DOJ, nanindigang hindi pagkitil sa freedom of the press ang pag-aresto kay Maria Ressa

Manila, Philippines – Nanindigan si Justice Secretary Menardo Guevarra na walang kinalaman sa usapin ng pagkitil sa freedom of the press ang kaso at pag-aresto kay Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa.

Ayon kay Guevarra, dapat lamang managot ang sinumang lalabag sa batas.

Payo ng kalihim kay Ressa, sa halip na isisi sa pamahalaan ang nangyari sa kaniya mas mainam kung tutukan at harapin na lamang nito ang kaso.


Facebook Comments