DOJ, naniniwalang biktima ng panggagamit ang taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz

Manila, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na biktima lamang at ginagamit ng ilang grupo ang taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Aguirre, duda rin siya sa paiba-ibang statement ni Tomas Bagcal na aniya ay halatang may nagtuturo.

Iginiit din ni Aguirre na handa siyang bigyan ng proteksyon si Bagcal oras na magdesisyon itong maging state witness.
Una nang inihayag ng NBI na nakikipag-ugnayan na sila sa grupong Rise Up na siyang may hawak ngayon kay Bagcal.


Facebook Comments