
Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na may nasa likod ng pagpapakalat ng fake news o maling impormasyon sa social media.
Pahayag iyan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matapos sabihin ni Dir. Jaime Santiago ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniimbestigahan na nila ang nasa 20 fake news peddlers na iisa lamang ang tema ng content at ang posibilidad na may pumopondo rito.
Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na walang problema sa paglalabas ng saloobin sa social media pero walang lugar ang pagpapakalat ng kasinungalingan.
Kanina, sinabi ni Director Santiago na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) para habulin ang mga vlogger at social media influencer na sangkot sa pagpapakalat ng fake news.