DOJ, naniniwalang posibleng may kumita sa pagbasura ng Timor-Leste Court of Appeal sa extradition request ng Pilipinas

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na may mga taong kumita kaya naantala ang extradition ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos na ibasura ng Court of Appeal sa Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas.

Sa kabila yan ng dalawang beses nang pagpanig sa Pilipinas ng korte roon noong nakaraang taon.


Ayon kay Remulla, walang basehan sa naging desisyon ngayon ng Timor-Leste Court of Appeal kaya marami ang posibleng kumita dito at hindi lamang ang mga abogado.

Tinanggihan ng Timor-Leste Court of Appeal ang request, dahil sa panganib ng torture at iba pang paglabag sa karapatang pantao kapag bumalik sa Pilipinas si Teves.

Tiniyak naman ng Department of Justice na gagamitin nila ang lahat ng legal remedies upang matuloy ang pagpapabalik kay Teves sa Pilipinas kung saan siya nahaharap sa patung-patong na kaso.

Itinuturong utak ang sinipang kongresista sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong 2023.

Facebook Comments