DOJ: NBI, hindi pa manghihimasok sa umano’y isyu ng gapangan ng pirma sa People’s Initiative

Hindi pa papasok ang National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y isyu ng gapangan sa Charter Change.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano, posibleng premature pa para mag-imbestiga ang NBI hinggil dito dahil wala pa silang hawak na ebidensya o pormal na sumbong.

Ani Clavano, napapanood lamang niya sa mga balita ang umano’y gapangan ng pirma para sa Charter Change pero wala namang dumudulog sa DOJ o NBI kaugnay sa isyu.


Dahil dito, hiniling ni Clavano kay Senador Koko Pimentel at iba pang opisyal ng gobyerno na magpadala ng impormasyon ukol sa umano’y gapangan o pagbabayad kapalit ng pagpirma sa People’s Initiative.

Facebook Comments