Nilinaw ngayon ng Department of Justice na apat lamang na dayuhan mula sa 139 na mga bilanggo na nabigyan ng pardon sa ilalim ng Duterte Administration.
Sa interview ng RMN Manila kay DOJ Usec. Markk Perete, sinabi nito na sa nasabing apat na dayuhan, kabilang na dito si US Marine Joseph Scott Pemberton.
Habang ang dalawa sa mga binigyan ng pardon ay sa ilalim ng prisoner swap sa pagitan ng pamahalaan ng United Arab Emirates kung saan nasa 95 na mga Pilipinong nakakulong sa kanilang bansa ang naging kapalit.
Sa panig naman ni Pemberto, nilinaw ni Perete na walang nangyaring negosasyon at sariling desisyon ni Pangulong Duterte ang pagbibigay nito ng absolute pardon sa US marine.
Facebook Comments