DOJ, nilinaw na hindi kasama sa mga iniimbestigahan ng Task Force Against Corruption ang OVP

Nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi kasama sa iniimbestigahan ngayon ng Task Force Against Corruption ang Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Sec. Guevarra, wala ring direktiba ang Malacañang na imbestigahan ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

Sa harap ito ng pinalawak na imbestigasyon ng mega task force laban sa mga tiwaling tanggapan ng gobyerno.


Nilinaw rin ng kalihim na magsasagawa lamang sila ng imbestigasyon kapag may natanggap silang reklamo laban sa OVP.

Pero sa ngayon aniya ay wala namang complaint laban sa OVP.

Kinumpirma rin ni Sec. Guevarra na dumadagsa ngayon ang reklamong natatanggap ng task force kaugnay ng mga katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.

Umaabot na aniya sa mahigit 60 complaints ang kanilang natanggap sa loob lamang ng linggong ito.

Kinumpirma rin ni Sec. Guevarra na karamihan sa mga reklamo ng katiwalian sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kanilang mga natatanggap ay mula sa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments