DOJ, nilinaw na hindi labag sa batas ang pagsuporta ng anumang grupong konektado sa CPP-NPA sa anumang political party o indibidwal

Nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi labag sa batas ang pagsuporta ng anumang grupong kaalyado ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa ano mang political party o indibidwal.

Ayon kay Guevarra, magkakaroon lamang ng paglabag sa batas kung maghahasik ng terorismo o gagawa ng panggugulo sa lipunan ang naturang grupo.

Sinabi ni Guevarra na kapag nangyari ang mga ganitong senaryo ay saka lamang kikilos ang Anti-Terrorism Council.


Ang paglilinaw ni Guevarra ay kasunod ng report na may ilang grupo na kaalyado ng CPP-NPA ang nagpahayag ng kanilang suporta sa isang presidential aspirant at sa partidong kinaaaniban nito.

Facebook Comments