Manila, Philippines – Kahit sino ay maaaring magsampa ng impeachment case laban sa pangulo ng bansa.
Reaksyon ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa babala ng ilang grupo na maaaring masampahan ng impeachment case ang Pangulong Duterte dahil sa pahayag nito na maaaring makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang mga mangingisdang Chinese.
Gayunman, nilinaw ni Guevarra na ang impeachment ay hindi kapareho ng proseso sa ordinaryong korte.
Aniya, ang impeachment ay hindi maituturing na istriktong legal proceeding at marami aniyang ground ang dapat na mapatunayan dito tulad ng aspetong pulitikal at economic.
Dapat din aniyang matibay ang pinanghahawakan ng magsusulong ng impeachment na talagang may nalabag ang Pangulo sa pangkalahatang interes ng buong sambayanang Pilipino.