Afghan refugees, pansamantala lamang sa bansa

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na pansamantala lamang ang panunuluyan dito sa bansa ng mga Afghan refugees.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ililipat ang mga lumikas na Afghan sa iba pang mga bansa para mag-apply ng permanenteng matitirhan.

Aniya, wala pang aplikasyon sa DOJ para sa pagbibigay ng refugee status sa Afghan nationals na tumakas sa kanilang bansa matapos mapasakamay ng Taliban noong nakaraang buwan.


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati kanina sa United Nations General Assembly na nakahanda ang bansa sa pagtanggap ng refugees.

Facebook Comments