DOJ ‘no comment’ sa pagkakadawit umano ng isang artista sa missing sabungeros case

Tumangging magkomento ang Department of Justice (DOJ) sa umano’y pagkakasangkot ng isang babaeng artista sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kamakailan nang ibunyag ng isa sa akusadong si “Alyas Totoy” na isang babaeng artista umano ang may kinalaman sa pagkawala ng mga ito.

Sa ambush interview sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan muna nilang kumpirmahin ang mga impormasyong nakarating sa kanila.

Una nang ibinunyag ni “Alyas Totoy” na inilibing ang mga sabungero sa Lawa ng Taal sa Batangas.

Samantala, pagdating sa paghahanap sa mga ito, sumulat na ang DOJ sa gobyerno ng Japan para sa isasagawang operasyon ng mga technical divers.

Facebook Comments