Inatasan ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang PNP-CIDG na ibigay ang kumpletong mga address ng mga tinukoy nitong respondents sa reklamong sedisyon na inihain nito laban kina Vice President Leni Robredo at iba pa kaugnay ng tinaguriang “Project Sodoma.”
Ayon sa DOJ panel, kulang ang mga impormasyon ng PNP-CIDG kung saan nakatira ang ilan sa mga respondents sa kaso kaya hirap sila na padalhan ang mga ito ng subpoena.
Binigyan ng DOJ Panel of Prosecutors ang PNP-CIDG ng 24-oras simula nang matanggap nito ang kautusan kahapon para makasunod sa direktiba na ibigay ang kumpletong address ng mga respondents sa inihain nilang sedition case.
Facebook Comments