Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na masusi na ring pinag-aaralan ng iba’t-ibang panel of prosecutors ng DOJ ang iba pang sets ng reklamo kaugnay ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Nilinaw naman ng DOJ na hindi layon ng kanilang imbestigasyon na takutin ang publiko sa pagpapabakuna.
Ayon sa DOJ, layon nitong mapanagot ang mga nagpabaya sa pagpapatupad ng nasabing anti-dengue vaccination program.
Layon din anila nito na matiyak na hindi na mauulit ang panganib sa publiko ng pagpapatupad ng health programs ng gobyerno.
Una nang nadesisyunan ng DOJ panel of prosecutors ang unang batch ng reklamo kaugnay ng Dengvaxia case kung saan pinakakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide si dating DOH Secretary Janette Garin at labing siyam na iba pa.