DOJ, pangungunahan ang imbestigasyon sa mga huwes na kasama sa narcolist

Plano ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pangunahan ang imbestigasyon sa 10 prosecutors na kasama sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa kalihim , hinihintay na lamang nila mula sa PDEA ang pangalan ng mga prosecutors at ang mga ebidensya para masimulan na ang fact-finding investigation.

Ayon kay Guevarra, bukas din sila sa parallel investigation kasama ang PDEA.


Nanindigan si Guevarra na mahigpit na ipatutupad ng DOJ ang zero tolerance policy sa mga government officials na sangkot sa iligal na droga alinsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments