DOJ, papasok na sa imbestigasyon sa pagmamatigas ni NYC Chairman Cardema na lisanin ang kanyang posisyon

Nangangalap na ang DOJ ng mga ebidensya kaugnay ng sinasabing patuloy na pagpreside ng meeting sa National Youth Commission ni resigned Chairman Ronald Cardema.

 

Sa kabila ito ng itinuturing na siya ay resigned na matapos na maghain ng petition for substitution sa Comelec para kanyang maybahay na First nominee ng Duterte youth partylist .

 

Ang hakbang ng DOJ ay kasunod ng kahilingan ng Malakanyang na alamin ang katotohanan sa naturang balita at kung karapat dapat ba itong isampa sa kinauukulang ahensya.


 

Una na ring nanawagan ang Malakanyang kay Cardema na lisanin na ang kanyang tanggapan sa NYC.

Facebook Comments