DOJ, pinabulaanan na binawi ng korte sa Timor-Leste ang pagpapabalik kay Teves sa Pilipinas

Hindi totoong binawi ng korte ng Timor-Leste ang desisyon nito sa hiling ng Pilipinas na pabalikin ng bansa si dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na batay sa merito ang hatol ng hukuman para maipatapon pabalik ng Pilipinas si Teves.

Inihayag pa ng DOJ na pagmamaniobra lamang ng legal team ni Teves ang pagkuwestyon sa procedure.


Partikular sa umano’y bilang ng hukom na nagdesisyon sa kaso ng dating kongresista.

Kumpiyansa rin ang DOJ na walang mababago sa kalalabasan kahit pa may bagong proseso ang korte lalo na’t ang legal na merito ng kaso ay manananatili.

Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy ang gagawin nilang hakbang para mapauwi si Teves sa bansa at mapanagot ito sa mga nagawang kasalanan.

Facebook Comments