Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na maraming mga nilabag na moral principles si Vice President Sara Duterte sa mga pinakawalang banat nito laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong nakaraang linggo.
Sa ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakababahala ang ganitong pahayag na nagmula pa sa isang mataas na opisyal gaya ni VP Sara.
Tinukoy rito ang plano umanong paghukay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., at ang pagbabanta na itatapon ito sa West Philippine Sea.
Sabi ng kalihim, ang pagdamay ni VP Sara kay dating Pangulong Marcos Sr., ay kalapastanganan sa alaala at pananahimik ng yumaong presidente.
Sa ngayon, pinag-aaralan na raw ng DOJ ang mga legal na aspeto sa naging pahayag ni Duterte.
Hindi kasi aniya angkop sa posisyon ni Duterte bilang pangalawang pangulo ang mga sinabi nito lalo na’t nadadamay pa nito ang dignidad ng Office of the Vice President.