DOJ, pinagsusumite ang BuCor ng detalyadong report hinggil sa panibagong riot sa Bilibid

Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Corrections (BuCor) na magsumite ng delayadong report sa lalong madaling panahon hinggil sa nangyaring riot New Bilibid Prison (NBP) kahapon.

Batay sa initial report ng BuCor, nasa tatlo ang nasawi at 64 ang sugatan sa nangyaring riot sa Maximum Security Compound.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nais niyang malaman kung may kapabayaang nangyari sa panig ng mga opisyal at tauhan ng BuCor.


Iginiit ni Guevarra na dapat natuto na ang mga BuCor officials mula sa mga nakaraang insidente kung saan ilang Persons Deprived of Liberty (PDL) ang namatay.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsasagawa na ng parallel investigation sa insidente.

Bago ito, nagkaroon ng riot sa Quadrant 4 ng Maximum Security Compound ng NBP noong October 9 kung saan siyam na inmates ang namatay at pito ang nasugatan.

Nag-ugat ang riot sa pagitan ng Sigue-Sigue Sputnik at Sigue-Sigue Commando gangs.

Facebook Comments