DOJ, pinaimbestigahan sa NBI ang umano’y koneksyon ng rebeldeng NPA sa may-ari ng sinalakay na sakahan sa Teresa, Rizal

Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano ay koneksyon ng New People’s Army (NPA) sa may ari ng sinalakay na farm sa Teresa, Rizal.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, wala pang katibayang nahahanap para sabihing may koneksiyon si Lily Ong, may-ari ng farm at ng mga nakumpiskang baril sa NPA.

Pero ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, konektado si Ong sa mga rebelde at ginagamit pa raw na taguan ng mga lider nito ang kaniyang bahay.


Iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na binayaran daw ni Ong para maging bodyguard niya.

Facebook Comments