DOJ, pinakakasuhan ang may-ari ng Wellmed at 2 whistleblowers

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong estafa through falsification of public documents ang isa sa may-ari ng Wellmed Dialysis Center na si Brian Sy at dalawang whistleblower ng kontrobersyal na “ghost dialysis claims” sa PhilHealth.

Sa siyam na pahinang resolusyon ni Senior Associate State Prosecutor Anna Noreen Devanadera – nakitaan ng probable cause ang reklamong isinampa ng NBI Anti-Graft Division laban kina Sy at sa magkasintahang sina Edwin Roberto at Liezel De Leon.

Labing pitong bilang ng kasong estafa through falsification ang kinakaharap ng mga respondents.


Nasa P72,000 bawat isang akusado ang inirekomendang piyansa ng anti-graft body.

Isasampa ang reklamo sa Quezon City Regional Trial Court.

Inirekomenda rin ng piskalya na maisailalim sa preliminary investigation ang reklamo laban sa pitong iba pang ‘at large’ na mga opisyal at kawani ng Wellmed Dialysis Center.

Pinadalhan na ng kopya ng resolusyon ang mga partido sa kaso.

Facebook Comments