DOJ, pinangalanan na ang OIC ng Bureau of Immigration

Itinalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Officer-in-Charge ng Bureau of Immigration si Deputy Commissioner Atty. Joel Anthony Viado.

Ito’y bilang kapalit ng sinibak na pinuno ng Burea of Immigration (BI) na si Norman Tansingco dahil sa mga pagkukulang nito sa trabaho lalo na sa naging kaso ni Alice Guo na nakalabas ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng DOJ, si Viado ang bahala sa operasyon ng Immigration sa ilalim ng pangangasiwa ni Sec. Remulla.


Agad na sisimulan ni Viado ang pamumuno sa BI hangga’t wala pang itinatalaga si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sinabi naman ni Remullla na kinakailangan pa rin maipagpatuloy ang maayos na trabaho ng nasabing ahensiya kahit pa may pagbabago kung saan naniniwala siya sa kakayahan ni Viado para pamunuan ito.

Facebook Comments