Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na walang mangyayaring warrantless arrests.
Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng desisyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na italaga ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang terrorist groups.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang layunin ng pagtatalaga sa CPP-NPA ay isalang ang mga assets nito sa awtoridad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para i-freeze ang mga ito.
Ang pagkakakulong na walang judicial warrant of arrest ay mangyayari lamang kapag ang suspected individual ay nakagawa o gumagawa ng paglabag sa ilalim ng Anti-Terrorism Law sa presensya ng isang arresting officer.
Maliban sa Pilipinas, ang CPP-NPA ay inilagay na rin bilang terrorist organization sa mga bansang gaya ng Estados Unidos, Australia, United Kingdom at New Zealand.