DOJ, pinayuhan si ex-Rep. Teves na huwag pa-victim; harapin na lamang ang mga kaso sa korte

Hinamon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang kampo ni dating Congressman Arnolfo Teves Jr., na harapin na lamang ang mga kaso sa korte.

Kasunod ito ng panawagan ni Teves sa United Nations, Amnesty International, iba pang human rights groups at maging kay Pope Francis na tulungan siya dahil nakararanas umano ang dating kongresista ng persekusyon at maling mga paratang.

Ayon kay Remulla, malinaw na hindi si Teves ang biktima kundi ang mga taong namatay dahil sa kaniya.


Sa halip aniya na gumawa pa ng mga delaying tactic ay dapat na lamang harapin ni Teves ang korte at sagutin ang mga kinakaharap na kaso.

Samantala, pinayuhan naman ni Remulla ang legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na iwasan ang mga walang basehang paratang laban sa estado na sumisira sa integridad ng justice system ng bansa.

Facebook Comments