Manila, Philippines – Pumalag ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Department of Justice sa pahayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na na-‘misquote’ lang siya ng media.
Ito’y matapos idawit ni Aguirre ang ilang mambabatas sa oposisyon sa diumano’y nangyaring pulong sa Marawi bago sumiklab ang kaguluhan doon.
Ayon kay Ed Punay, President ng Justice Court Reporters Association – inulat lamang nila ang mga sinabi ni Aguirre at ginawa ang trabaho nitong magberipika ng mga inilabas na impormasyon ng kalihim.
Nabatid na malinaw sa kanyang press conferrence na sinabi nito na nakipagpulong umano sa mga alonto at lucman ang ilang mambabatas.
Sa ipinakitang litrato ni Aguirre, makikita na ang larawan na ipinost pa noong 2015 sa facebook account ni Zamboanga Del Sur Vice Gov. Ace Cerilles na kinuha pa sa Iloilo.
DZXL558