DOJ prosecutors, hindi kuntento sa isinumite ng prosekusyon na larawan ng magnetic lifters

Manila, Philippines – Layon ng nakatakdang pag-inspeksyunin ng DOJ Panel of Prosecutors sa magnetic lifters na makita ito ng aktwal.

Ang mga naipuslit na magnetic lifters sa bansa ay nadiskubreng naglalaman ng iligal na droga na nagkakahalaga ng 11-billion pesos.

Itinakda ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat ang ocular inspection sa magnetic lifters sa Marso 4 sa Bureau of Customs (BOC) at Marso 7 sa warehouse sa GMA, Cavite.


Ayon kay Sytat, nagtakda sila ng inspeksyon dahil hindi sila kuntento sa mga larawang isinumite sa kanila ng PDEA at NBI.

Facebook Comments