DOJ prosecutors na hahawak sa Kian case, pinangalanan na

Manila, Philippines – Itinalaga na ng Prosecutor General ang DOJ Prosecutors na hahawak sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ang 3-man panel of prosecutors ay binubuo nina Senior Assistant Prosecutor Tofel Austria, Assistant State Prosecutor Amanda Garcia at Associate Prosecution Attorney Moises Acayan.

Ang naturang panel ang siyang magsasagawa ng preliminary investigation sa kasong murder at paglabag sa anti-torture law laban kina Police Chief Supt. Amor Cerillo at sa tatlo pang pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian.


Sila rin ang magsasagawa ng rekomendasyon sa pag-prosecute sa respondents base sa mga ebidensyang kanilang hihimayin.

Tumatayo namang complainant sa kaso ang mag-asawang Saldy at Lorenza delos Santos, mga magulang ng Grade 11 student na napatay sa police operation.

Facebook Comments