Pumalag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa desisyon ng Manila Regional Trial Court na payagang magpiyansa ang anim na akusado sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Remulla, maituturing aniyang mass murder ang kinasangkutan ng 6 na akusado.
Dahil dito, maghahain ng motion for reconsideration ang Department of Justice (DOJ) bunga ng paniniwalang magkakaugnay ang insidente ng patuloy na pagkawala ng 34 na mga sabungero.
Dagdag pa ni Remulla, buwan ang ginugol ng pulisya sa pag-iimbestiga bago nahuli ang anim na magkakasama.
Nais din aniya nilang magsampa ng petition for certiorari sa mataas na hukuman laban sa desisyon ng Manila RTC.
Paniniwala ng kalihim na nakagawa ng grave abuse of discretion ang hukom nang pagbigyan na makapagpiyansa ang anim na akusado.