DOJ, pumalag sa mga umano’y akusasyon ni suspended BuCor Dir. Bantag kay Justice Sec. Remulla!

Pinalagan ng Department of Justice (DOJ) si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa mga paratang nito na pinalalabas lang ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na siya ang pumatay sa beteranong radio broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Spokesperson Jose Dominic Clavano IV na wala sila ibang motibo, kundi ang mailabas lamang ang katotohanan sa likod sa pagpaslang kay Lapid.

Dagdag pa ni Clavano, dadaan sa legal process ang naturang kaso hanggang sa matapos ito.


Tiniyak din ni Clavano na gumamit ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ng method of deduction sa imbestigasyon sa Percy Lapid slay case.

Sa kabila umano ng mahabang listahan na kasama sa person of interest (POI) sa pagpatay kay Lapid ay si Bantag ang itinuro ng lahat ng lumutang na ebidensya.

Sinabi pa ni Clavano na mayroong proper forum at tamang oras para mabigyan ng linaw ang lahat ng isinagawang imbestigasyon hinggil sa krimen.

Facebook Comments