DOJ, pumayag nang pag-isahin ang kasong isinampa ng PDEA at NBI kaugnay ng shabu shipment sa magnetic lifters

Manila, Philippines – Pinagbigyan ng Department of Justice ang motion for consolidation na inihain ng National Bureau of Investigation kaugnay ng 11-billion pesos na shabu shipment na isinilid sa magnetic lifters.

Bunga nito, pag-iisahin na ang kasong isinampa ng NBI at ng PDEA kaugnay ng nasabing shabu shipment.

Layon nito na mapabilis ang paglalabas ng desisyon sa kaso.


Unang nagsampa ang PDEA ng dalawang kaso noong August 29, 2018 at December 13, 2018 habang ang NBI naman ay nagsampa ng panibagong kaso nitong January 25, 2019.

Kasama sa respondents sa kasong isinampa ng NBI si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at 50 iba habang hindi naman ito isinama sa reklamo ng PDEA.

Binigyan naman ng DOJ panel ang respondents ng hanggang February 11 para maghain ng counter affidavit.

Facebook Comments