DOJ REGION 1, NAGBABALA SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO IWASAN ANG LANTARANG PAGSUPORTA O PANINIRA SA KANDIDATO NGAYONG PANAHON NG ELEKSYON

Binalaan ng Department of Justice Region 1 ang mga indibidwal partikular ng mga empleyado ng gobyerno ukol sa pagsali sa pangangampanya o pag endorso sa mga kandidato ngayong eleksyon.
Sinabi ni Assist. Prosecutor Atty. Arceli Refuezo ng DOJ Region sa naganap na pulong balitaan na maaaring maharap sa administrative o criminal case ang sinumang empleyado ng gobyerno na mapapatunayang kabilang sa pag endorso at lantarang pagsuporta sa isang kandidato.
Kabilang sa mga lantarang pagsuporta ng empleyado ng gobyerno sa isang kandidato ay katulad na lamang umano ng paninira sa kabilang partido na kalaban ng sinusuportahan.

Maaaring maharap sa legal action at penalty katulad na lamang ng isang buwan hanggang anim na buwan na suspension sa trabaho para sa first offense at maaaring tuluyang matanggal sa serbisyo ito para naman sa second offense ukol Yane sa administrative offense.
Kaugnay sa criminal case ay maaaring maharap sa pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi lalagpas sa anim na buwan na pagkakakulong ng walang inirekomendang piyansa.
Iginiit nito na kung maaari ay panatilihing maging non-partisian o apolitical upang sa gayon ay maiwasang mabahiran ng usaping pulitika ang trabaho. | ifmnews
Facebook Comments