DOJ Remulla, umaasang kusang susuko si Bantag upang mapangot sa krimen na kinasasangkutan

Muling iginiit ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na patuloy na hinahanap ng pinagsamang operasyon ng mga awtoridad si dating Bureau of Corrections o BuCor Chief Gerald Bantag.

Ito ang inihayag ni Remulla nang hingan ng media ng update kaugnay sa kaso ni Bantag.

Ayon kay Remulla, nagpapatuloy pa ang pagtunton kay Bantag at sakaling maaresto ay sisiguraduhin ng DOJ na mananagot siya sa krimen na kinasasangkutan.


Umaasa rin si Remulla na kusang susuko sa mga awtoridad si Bantag upang maging mas malinaw ang sistema ng hustisya.

Matatandaan na si Bantag ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagkakadawit sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at Bilibid inmate na si Jun Villamor.

Nauna nang nag-alok ang DOJ ng P3 million reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Bantag at kanyang dating deputy na si Ricardo Zulueta.

Facebook Comments