DOJ, rerebyuhin ang Anti-Terrorism Bill para matiyak na nakasunod ito sa Konstitusyon

Sisimulan na ng Department of Justice ang kanilang pagrebyu sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill para masigurong sumusunod ito sa konstitusyon.

Ito ay kahit na hindi pa hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang komento ukol sa probisyon ng nasabing panukala.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sisimulan na nilang rebyuhin ang mga nilalaman nito upang masigurong wala itong nilalabag sa karapatang pantao.


Paliwanag niya, bago pa man kasi pirmahan ang mga panukala para maging batas ay humihingi muna ang pangulo ng komento sa mga concerned agencies.

Sa ngayon, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate version ng panukala sa botong 173 na pumabor at 31 na hindi habang 29 naman ang nag-abstain.

Matatandaang umani ng batikos ang Anti-Terrorism Bill na una nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments