DOJ Sec. Guevarra, dismayado sa utos ng US government na i-ban sa Amerika ang mga opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. De Lima

 

Dismayado si Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagbabawal ng Amerika kay Pangulong Duterte at sa iba pang opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. Leila De Lima.

 

Gayunman, inihayag ni Sec. Guevarra na ipinauubaya na niya ito sa Department of Foreign Affairs o DFA.

 

Sinabi ng Kalihim na mas malaking isyu ang panghihimasok ng Amerika sa kaso ni Sen. Leila De Lima na may kinalaman sa iligal na droga.


 

Ipinagkabit-balikat din ng kalihim ang posibleng pagkakasama niya sa US list na pagbabawalang pumasok sa Amerika.

 

Aniya, ang usapin dito ay ang Soberenya ng bansa at ang hindi dapat pakikialam ng isang nasyon.

 

Una nang nilagdaan ni US President Donald Trump ang kanilang 2020 national budget, kung saan nakapaloob dito ang probisyon na nagbabawal sa pagpasok sa Amerika ng mga taong nagpakulong kay Sen. De Lima.

 

Nakapaloob ang naturang probisyon sa 2020 State and Foreign Operations Appropriations Bill na nilagdaan nitong Biyernes December 20.

 

Bukod sa mga opisyal ng Pamahalaang Pilipinas na nagpakulong kay De Lima, naka-ban din sa Amerika ang mga nagpakulong kina Mustafa Kassem, isang American citizen na ikinulong ng pamahlaan ng Egypt.

Facebook Comments