Kumbinsido si Justice Sec. Menardo Guevarra na ang lifestyle check ay hindi sukatan o batayan para pagdudahan na may iregularidad na ginagawa ang isang tao o opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Sec. Guevarra, kailangang sabayan ang lifestyle check ng pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat para matukoy kung may ginagawang katiwalian o iba pang krimen ang isang tao.
Gayunman, sinabi ng kalihim na gaano man kayaman ang isang empleyado o opisyal ng gobyerno, kailangan pa rin nilang mamuhay nang simple bilang public servants.
Ang reaksyon ni Sec. Guevarra ay kasunod ng pahayag ni Ombudsman Samuel Martires na hindi tamang pagbatayan ang lifestyle ng isang opisyal ng gobyerno para siya ay pagbintangan na may ginagawang katiwalian.
Facebook Comments