DOJ Sec. Guevarra, nagbabala sa mga otoridad kaugnay ng profiling at red- tagging sa community pantry organizers

Nagbabala si Justice Sec. Menardo Guevarra sa profiling sa organizers ng community pantry.

Ayon kay Sec. Guevarra, maaring maharap sa paglabag sa Data Privacy Law ang mga nasa likod ng “profiling”.

Inihayag din ng kalihim na depende ito sa kung anong personal na impormasyon ang nakuha ng mga awtoridad sa isang tao at kung wala itong pahintulot mula sa kinuhanan ng impormasyon.


Sinabi ng kalihim na maari namang magsampa ng kaukulang reklamo ang sinomang community organizer o indibidwal kung sa kanilang paniwala ay may nalabag sa kanilang mga karapatan.

Facebook Comments