Iginiit ni Justice Sec. Menardo Guevarra na may kalituhan sa interpretasyon ng Good Conduct Time Allowance Law.
Ayon kay Guevarra, mayroong tila problema sa pagkakasulat ng batas.
Sa Section 3 ng Republic Act 10592, pwedeng bigyan ng good conduct ang sinumang nasentensyahan pero nakasaad sa Section 1 ay hindi makikinabang ang mga convicted ng henious crimes.
Mainam aniya na mapag-aralang muli ang batas.
Sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), mula 2013 hanggang ngayong taon ay halos 2,000 nakasuhan ng henious crime ang napalaya na.
Facebook Comments