DOJ Sec. Remulla at ilan pang opisyal, nagtungo sa Timor Leste sa harap ng pananatili doon ni dating Cong. Arnolfo Teves Jr.

Nagsagawa ng state visit sa Timor Leste si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at ilan pang opisyal ng Department of Justice (DOJ).

Sa harap ito ng patuloy na pagkakaudlot ng pagturn-over kay dating Cong. Arnolfo Teves Jr. sa Philippine authorities.

May kinalaman ito sa kasong multiple murder ni Teves sa Pilipinas bilang pangunahing akusado sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.


Napag-usapan din ng dalawang opisyal ang hinggil sa critical diplomatic at security issues.

Ipinaabot din ni Remulla ang hinggil sa pag-ban ng Pilipinas sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ipinaliwanag ng kalihim sa pangulo ng Timor Leste ang epekto sa domestic affairs ng POGOs kaya dapat aniya itong maging maingat sa pagtanggap sa POGOs.

Magugunitang ilang beses nang naudlot ang pagpapabalik sa bansa kay Teves.

Facebook Comments