DOJ Sec. Remulla, humarap sa media matapos ang wellness leave

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sumalang siya ilang medical procedures matapos ang 10 araw na wellness leave.

Ayon kay Remulla, sumalang siya sa bypass surgery dahil sa nakitaan ng mga doktor na may barang ugat sa kaniyang puso.

Dagdag pa ni Remulla, kinakailangan niyang sumalang sa nasabing proseso noong June 27, 2023.


Sinabi pa ng kalihim na kung hindi siya sasailalim sa bypass procedure ay posibleng mauwi ito sa atake sa puso o stroke.

Bagama’t naging matagumpay ang operasyon, kinakailangan pa rin ni Remulla na sumailalim sa physical therapy para tuluyang makarekober.

Inaasahan naman na sa darating na Lunes ay babalik na sa trabaho si Remulla kung saan kaniyang pupulungin ang lahat ng undersecretary at assistant secretary matapos ang flag raising ceremony.

Aminado rin ang kalihim na kahit gusto na niyang bumalik sa trabaho, hindi naman siya araw-araw makakapunta ng DOJ at wala siyang plano na umalis sa pwesto.

Facebook Comments