
Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na interesado siya sa posisyon ng Ombudsman.
Sa harap ito ng nalalapit na pagreretiro ni Ombudsman Samuel Martirez sa July 27.
Ayon kay Remulla, magsusumite siya ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC).
Sabi ng kalihim, marami umano siyang maitutulong sakaling siya ang mapili sa posisyon.
Sa kabila niyan, matatandaang may kinahaharap pang reklamo si Remulla sa Ombudsman dahil sa inihain noon ni Senator Imee Marcos laban sa kanila ng iba pang matataas na opisyal.
Pero sagot ni Remulla, ang JBC na ang bahala na i-evaluate ito at naniniwala rin siyang wala namang conflict sa paghahain ng aplikasyon.
Sakaling mapili, maninilbihan siya sa loob ng pitong taon sa anti-graft body o hanggang sa 2032.









