DOJ Sec. Remulla, kinumpirma ang pagkakilanlan ng natagpuang chop-chop na bangkay sa septic tank sa Bilibid

Kinumpirma ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, na ang natagpuang pira-pirasong bangkay sa septic tank ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ay isa sa mga nawawalang inmate sa Bilibid.

Noong July 15, napaulat na nawawala ang person deprived of liberty (PDL) na si Michael Angelo Cataroja mula sa kaniyang maximum security cell.

Ayon kay Remulla, kakailanganin aniya ng mga forensic pathologist para imbestigahan ang mga chop-chop na bangkay na natagpuan sa loob ng septic tank.


Inihayag din ng kalihim na magkakaroon ng mga iba pang rebelasyon kaugnay sa mga nangyayaring patayan sa loob ng Bilibid.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa masabi ni Remulla kung sangkot dito si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Inaasahan naman ni Remulla na magsusumite ng komprehensibong ulat si Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr., hinggil sa insidente.

Facebook Comments